Of the Xmas breeze.

Ayan na… Christmas officially started two days ago. Grabeysious na ang lamig sa umaga. Wala na ngang ulan pero dyosko sa lamig ang pagkalamig-lamig na hangin at klima. Isa lang siguro ang pinagdadasal nating lahat na sana mas malaki ang mga singit at kili-kili natin para dun tayo kumuha ng kinakailangang init kung tayo ay nagsasariling sikap.

Napakahirap na ding umuwi dyosmiyo. At halos lahat yata ng kakilala ko merong Christmas party. Kesyo sa opisina man, sa bahay, sa kamag-anak, sa inidoro… kahit saan may Christmas party. Ang saya-saya naman kahit papano ng festivities dapat diba? Pero para sa kin parang may dark part pa din ang Paskong ito. Ewan ko ba, may nararamdaman pa din akong “insert Twilight Zone music here”.

(E baka naman drama lang yan ng buhay mo. E baka ganun nga, wag ka nang kumontra. Sinabi na nga ni Marian na hindi sya buntis, e di hindi! Kawawa pa din si Mama Karylle…)

–=+=–

At ngayong Paskong ito, usong-uso ang mga paborito nating ginagawa para sa ating mga minamahal sa buhay at mga kaibigan. Yan ang pagpapakita ng ari ng lalaki sa kanyang mga kamag-anak kasi trip lang nya.

BWAHAHAHA.

Pero seryoso true-to-life to. Hindi ko naman sasabihin kung sino pero aliw na aliw ako sa nangyari. Ganito kasi yun…

Isang umaga nakakita ako ng private plurk… tapos ang sinulat nung babae, nawindang daw sya kasi may kaibigan daw syang pinakita ang ari sa kanya through webcam. Tapos nun, dedma-ers lang ako. E malay ko ba kung sino yun. Sabay nung umagang kinabukasan, may nag-ym sa kin. Nagso-sorry na hindi daw nya sinasadya yung ginawa nya… ay… hahaha… syempre hindi yan ang storya. Ang totoo may nag-hack nung ym nya at ayun, ang malas nung babae na sya pa yung kaisa-isang kakilala namin na nakakita nung phallic symbol na yun. Astig diba.

Nagkaharap silang dalawa kanina dun sa lakad namin. Ayun, humihingi yung babae ng damages dun sa lalaki. Ang depensa naman nung lalaki, hindi sya yun.

Pero para sa kin, ok na ok na nalaman ko yung istoryang yan. Gusto kong ipamahagi sa lahat na possible ito at mag-ingat kayo sa mga sinisilip sa webcam at baka kung gusto nyong maging maaga ang Christmas surprise nyo… e bahala na kayo sa buhay nyo.

–=+=–

Dahil ang buhay na ito ay isang malupet na hardcore lamang.

At hindi ko trip tong Two For The Road ni Mama Audrey Hepburn. Hangkorni e.

Advertisements

~ by targrod on December 16, 2008.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: