Of the slam #

Ako ay nanonood din ng Golden Globe Awards ngayon (kanina pala!). Wala kasi akong pasok pag Lunes, bwahaha. Hindi naman ako masyadong interesado sa Golden Globe. Inuwi na naman kasi lahat ng 30 Rock ang mga awards. Sa totoo lang hindi ko nage-gets masyado kung paano naging sobrang nakakatawa yung show na yun. Ang alam ko kras ko lang si Tina Fey pag may salamin siya, huwag lang yung Sarah Palin look niya. Blech-ers yun.

Basta sa Oscars ako babawi. Yun ang gusto kong topic. At marami pa kong papanoorin na 2008 films pa muna. Medyo mabagal ang download rate ng dsl ko pero may kaunti na kong napanood tulad ng Gran Torino at The Curious Case Of Benjamin Button. Nakalinya na yung Slumdog Millionaire at yung The Wrestler.

–=+=–

At speaking of The Wrestler (syet sakto. Pasok na kaagad. Bwahahaha) ang gusto ko kasing ilagay dito ay yung wrestling. Yung walang kamatayang wrestling na hindi ko na dapat pinanood kasi matanda na ko. At ang wrestling, yung wwe a, ay lagi nilang sinasabi na pambata daw.

Pero since isip bata naman ako. Counted na din na pwede akong manood nun.

Nung nakaraang taon kasi nagbigay sila ng mga nakakatawang plot lines na masarap kalimutan. At buti naman nakalimutan ko na talaga dahil wala akong maisulat dito.

Ngayon, naglagay na naman sila nang nakakatawang plot line. Yung kay Shawn Michaels. Ang takbo kasi ng storya, naghihirap na daw si Shawn, tapos nangutang sya kay JBL at ginawa ngayon syang alila.

Anak ng ewan naman. Poide ba. Hindi naman ako tanga.

Pero ok na din. Buhay pa naman yung mga shows na pinanonood ko. So, buhay pa ko.

–=+=–

At syempre nadi-disturb pa din ako sa ultimate touching ng mga wrestlers na to. Pwede ko na sigurong sabihin na lahat sila nahawakan na yung pee-pee nung mga nakalaban nilang mga wrestler.

Ganun ba yun? Hawakan sila ng hawakan tapos macho pa din ang dating nila? Parang may mali dun. Pero ok na din, kahit nakakailang pag may mga maling hawak na silang ginagawa. At eto pa. Di ba pawis yung mga yan, e minsan inaabot sila ng isang oras habang nag-wrestling. E di papawisan pati yung mga singit nung mga yan.

E paano kung hindi naliligo yung wrestler na yun.

Yak.

Advertisements

~ by targrod on January 12, 2009.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: