Of the Sfree #

Ayan. Excited na ko.

Promise. Sure na. Official. Ilang araw ko ding ninamnam ito. Pero oo, excited na ko.

Noong 2007 kasi may na-miss akong isang pagdiriwang. Yung bandang Sugarfree tumugtog kasama ang Philharmonic Orchestra.

Na-miss ko iyon. Nauwi ako sa measly Audio Cd. Syempre bitin. Walang appeal masyado. Paano kung bingi ka, hindi mo maa-appreciate. Kulang sa visual award at audience impact.

Kahit tumulo man ang luha ko sa kakapakinig. Tapos na. Walang concert. Hanggang earphones na lang.

So, nung July kasi yung friend ko sinabi sa kin kung gusto ko bang manood ng concert ng Sugarfree. Nung mga panahong yun, naguguluhan ako.

Ulit. Magulo lang talaga ako.

At kanina lang syempre may mga gustong linya ako sa mga kanta, si ni-post ko siya sa status ko. Nakita nung kaibigan ko. In-invite ako kasi may extra ticket pa daw sila. At ako ay natuwa. Saktong-sakto. Parang White Castle Whiskey.

At ayun nga, na-realize ko ngayon na I shouldn’t miss this one. Minsan nga lang pala tumugtog ng ganito ang isang banda at ako ay officially addicted sa Mornings and Airports at oo, yun pa ding Hang Over at Wala ang paborito ko.

Na naglibot ako sa mga blog sites at walang nakakita sa mga nakita ko. Maaaring special ako. Pero special naman talaga ako.

Ayan. Can’t wait for next week. Next Friday. Mark my calendars.

–=+=–

Ang sagwa nung Sunday, tambak na nga ang DLSU tapos paglipat mo ng channel 5 may makikita kang ano. Show. Mabuti na lang at nag-plan na kaming mag-SPIT sa week nung sa Sugarfree. Bale, magkasunod na araw na yan. At least dun siguradong matatawa ako.

Promise. Sayang ang airtime.

Kung may mga buhay pa kena Apeng Daldal, Catchupoy, Chiquito, Rene Requestas, Mang Kepweng, at Weng-weng isama niyo sa show. Pampataas ng rating.

Buti na lang may dibidi sa bahay.

(hindi na tuloy yung DURA.)

Advertisements

~ by targrod on August 21, 2009.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: