Of the lalang2x #

It is around 1:30 in the morning and hndi pa ko makatulog. Malaking factor ang weekend pero mas malaking factor itong nasa telebisyon ngayon.

Sa Channel V kasi may program na The Playlist kung saan may isang manonood na magpapadala o gagawa ng playlist sa website ng Channel V at syempre kung sino man ang nakikiaalam (bwahaha) nung programa ay siyang magpapalabas nung lahat ng mtv nung nasa listahan ng playlist (pareho lang yan e, iningles lang).

Natatandaan ko lang kasi noon, sakto lang yung pagkakaroon ko ng interes sa music. Late 90’s yun. At nakakatuwa lang na napapanood ko yung mga MTV ng Backstreet Boys, 911, N’sync, Five, at kung anu-ano mang kahihiyan kung iisipin mo lahat ngayon yan.

Naisip ko lang din na kahit san ka magpunta basta marinig mo yung kanta, kung ano man yun, e makikita mo na may mga kaedad ka pala sa paligid mo, kung sakaling luma man yung pinatutugtog (yung mga tipong ten years ago na. kasi yung mga music ngayon, wala nang identity. Basta. Walang kokontra.)

At sigurado yun, lahat ng mga taong kabisado ang As Long As You Love Me at Its Gonna Be Me, sabay sabay kakanta yan. Kahit yung mga falcetto, mga uh at ah, at ultimo mga utot sa kanta, sure na masasabayan yun.

Malupet pa noon, bentang-benta ang mga posters at kung anu-anong ewan. Maganda din noon at hindi pa uso ang mga MP3 players, kailangan mong magtsaga sa kung ano man ang nasa radio. E ang bulky kaya ng walkman cassette at walkman cd player. E hanggang snake lang kami nun sa 5110 masaya na. Natatandaan ko pa nga nung una kong marinig yung Sway ni Bic Runga. Pauwi na galing ng school sa may Vito Cruz. Natatandaan ko yun, haunting yung boses nya parang si Casper the Prenly Gos.

Syempre wala din noon na may mga nangmomolestiya ng 16 year old sa stage at nambubugbog ng kapwa singer dahil mahina ang EQ niya. Masaya nung panahon naming. Malaking factor ang gender issues.

Nandyan yung lalaki si Posh Spice. Yung babae si Nick Carter. At syempre yung babae yung isa dun sa mga Hanson brothers (e anakngpating, kaya nga brother e.)

Yung kay Posh Spice walang apektado (pero dyusko naman ngayon, ang ganda na niya) walang pumansin, benta si Baby at si Ginger nun e (parehong powder yan. FYI. Joke). Ang unang factor si Nick, kasi ang daming nautong mga babae niyan. Uso na noon ang face value (hello Champ Pio). Kahit na hindi sya nagpakita ng abs (e para namang dapat kasing maapektuhan kaming mga lalaki dun sa mtv na yan) dun sa mtv ng Quit Playing Games e hindi alam ng lahat ng lalaki pala talaga siya. E naging basagulero nung paglaki at sa N’sync pala yung homosexual.

At syempre maraming nagoyong mga lalaki sa kagandahan nung isang hanson BROTHER. Oo, brother yun. Baka kasi in denial ka pa din ngayon na akala mo tunay na babae yun. Porke’t bata at akala mo nagkakaroon pa lang ng mammary gland. Isipin mo na lang na hindi siya si Milla Jovovich sa The Fifth Element.

Ang saya noon noh. Ang tanda ko na.

–=+=–

Lintek naman kasi ngayon. May Rock at may emo. Pwe.

Nakuha syempre yan sa TNL.

–=+=–

At may project ako. Simple lang naman. Kailangan ko lang ng 500 respondents sa “Your Top Ten Filipino Movies of All-time”.

Helf flease?

Advertisements

~ by targrod on August 22, 2009.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: