Of the Dekada #

Mahirap bumangon; Anong nangyari kahapon
Paano umabot dito; Kumikirot ang ulo at puso
Sa dinami-dami; Pa naman ng gustong malimutan
Ikaw pa ang naiwan; Sa puso’t isipan

Sa tingin ko destiny nga yung nangyari. Ilang linggo na kasi akong kinontak nung kaibigan ko tungkol dito sa concert. Sabi ko oo pero hindi ako maka-commit. Ang gulo din kasi ng utak ko ngayon.

Lumangoy sa ala-ala mo
Lumangoy hanggang malunod sa iyo
Kung ang gamot sa aking sakit ay pag-ibig
Ako ay nauuhaw at ikaw ang aking tubig

Kaya nung last week lang, tinext ako na, “uy, may isa pa kaming tiket. Kasi nag-back out yung kasama naming.” Sabi ko na lang “the hell with everything else, I will watch this effin’ concert”. Pero hindi ganun yung pagkakasabi ko. Mas astig kasi ang dramatic effect pag yun ang supposedly na sinabi ko.

Ako’y uhaw at ikaw; Ang aking tubig…

Syempre, nag-ready ako. Pinakinggan ko ng paulit-ulit yung latest album ng Sugarfree. Nung una medyo meh pero nung tumatagal nagiging ok siya. Hindi siya yung tipong love at first sight na, “Ayan! Ang ganda nyan! Kayang bayaran ang utang na trillion ng Pilipinas.” Hindi ganun.

Buong araw; Nahihilo
Ang mundo; Slo-mo
Dahan-dahang buksan; Ang aking mata
Ang sikmura; Sumisirko-sirko

Tulad nga ng sinabi ko. Hindi ako nag-expect. Alam ko tutugtog sila kasama ang Manila Symphony Orchestra at feeling ko na parang ito yung binili kong live album nila two years ago na kasama din yung same orchestra pero syempre, sasamahan na nila yung concert na ito ng mga bagong kanta nila.

Sa dinami-dami; Pa naman ng gustong malimutan
Ikaw pa ang naiwan; Sa puso’t isipan

Pagdating ko sa Music Museum, hindi ako nag-uber fangirl moment. Konti lang. Nung nalaman ko lang naman na 1 seat away ako sa stage, wala yun. Pero ang totoo, na-overwhelm ako. Hindi ko naman in-expect na makikita ko ang ngala-ngala ni Ebe e. Tao lang ako.

Lumangoy sa ala-ala mo
Lumangoy hanggang malunod sa iyo
Kung ang gamot sa aking sakit ay pag-ibig
Ako ay nauuhaw at ikaw ang aking tubig

At syempre nagsimula na ang concert. Masasabi talaga natin na maganda yung concert. Ang astig kasi ng Sugarfree. Hindi sila katulad nung ibang banda na kanta lang. Period. Iba to, nadadama mo na parang malaki lang syang town hall meeting. Bale, meron lang orchestra at banda sa paligid.

Ako’y uhaw at ikaw

At isa pang astig ay nalapatan nila ng mga bagong tono yung mga luma nilang kanta. Nag-medley na din sila kasi pwede mo na din naman sabihin na marami na silang sikat na kanta. Hindi nga lang ganun katanda-tanda para sa lahat pero sa isang katulad ko na nakikinig sa Sugarfree, kung hindi ko man alam ang isang daang porsyento ng kanilang mga kanta, alam ko yung 99.99 porsyento ng mga yan. Wala pang tax yan.

Sa dinami-dami; Pa naman ng gustong malimutan
Ikaw pa ang naiwan; Sa puso’t isipan

Ang sarap ng feeling pala na hindi man ganun kalaki yung crowd pero alam mong lahat halos ng nasa Music Museum nakikinig at fan ng Sugarfree. Proud akong fan ng Sugarfree kasi mahal ko ang mga kanta nila. Walang kokontra.

Lumangoy sa ala-ala mo
Lumangoy hanggang malunod sa iyo
Kung ang gamot sa aking sakit ay pag-ibig
Ako ay nauuhaw at ikaw…

At dahil madrama ang karamihan ng mga kanta nila. Nag-mantra na ko, “hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak.” Pero wala e, nung tinugtog na yung Mariposa at lalong-lalo na yung Burnout, tumulo na lang ang luha ko. Dahil yung Burnout na yan ang pinakapaborito kong kanta ng Sugarfree.

Lumangoy sa ala-ala mo
Lumangoy hanggang malunod sa iyo
Kung ang gamot sa aking sakit ay pag-ibig
Ako ay nauuhaw at ikaw ang aking tubig

Sana makagawa pa sila ng mga astig na kanta.

Ako’y uhaw
Ako’y uhaw
Ako’y uhaw
At ikaw

Hindi ko malilimutan yung gabing yun. Hinding-hindi.

Kung ikaw ay tubig (nauuhaw)
Kung ikaw ay tubig (nauuhaw)

Ten years na pala ang Sugarfree no? Parang kahapon lang, indie band sila.

–=+=–

Maraming salamat ate hanabels at kuya markkus! Panalo ang astig na gabi.

Ang playlist. Pagpasensyahan na kung hindi ko kabisado lahat ng titulo ng mga kanta:
1.
2. Hay Buhay
3. Telepono
4. Unang Araw
5. Taguan
6. Feels Like
7. Kwarto
8. Wala Nang Hihilingin
9.
10. Mariposa
11. Fade Away
12. Makita Kang Muli
13. Dear Kuya
14. Hari Ng Sablay
15. Tulog Na
16. Kwentuhan
17. Burnout
18. Huwag Ka Ng Umiyak
19. Hang Over –> ang nakasulat na lyrics sa itaas ay ito.
20. Prom

Advertisements

~ by targrod on August 31, 2009.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: