Of the zzzzblag #

After watching Roman Holiday countless of times I just realized na sobrang heartbreaking pala talaga nung ending nung movie na yun. Hindi man kasi ganun ka-obvious dahil sa rest of the movie pero yung ending ang lakas pala ng impact.

Ang galing kasi ng plot e. Isang nobody (nobody but chu?) at isang “woah can’t reach” you na person nagtagpo sa isang hindi inaasahang pagkakataon.

Tapos syempre nandun yung plot twist na gagamitin ni lalaki yung mga ebidensya para pagkakitaan ang tatanga-tangang prinsesa. Pero in the end, maiinlab din pala sya.

Tanga!

Pero isipin din natin nga na napaka-sakit ng ending. Dalawang taong nagkaunawaan. Dalawang pusong lalong masasaktan pag tinuloy pa nila ang kahibangan. Ang hindi pwede ay hindi pwede, wag pilitin.

Kung mamarapatin, utak pa din pala dapat talaga ang patakbuhin pag ikaw ay nagmamahal.

Pahabol lang, napanood niyo ba yung Princess Diaries, ganun din naman yung nangyari kay “the hills are alive” e. Nag-antay lang yung “bodyguard na bantay salakay”, then THIZ IS IT na.

Orayt!

–=+=–

Anong buwan pa nga lang? September.

Ilang buwan pa bago mag-eleche-ection? Eight months.

Ilang araw pa tayong magdudusa sa non-stop na politicking ng mga lecheng pulitiko? P.I. naman.

Nakita niyo ba yung nangyari dun sa burol at libing ni Manalo? Dyosko. Ang titibay.

–=+=–

At ang ulan magulo.

Parang life.

Advertisements

~ by targrod on September 9, 2009.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: