Of the cards #

Pumunta ako kahapon sa Blenz…

*checks time: 12:15 am na pala*

Again.

Pumunta ako nung makalawa sa Blenz at umorder ako. Sabi ko, “Isang Dark Chocolate Mocha na medium. Yung walang masyadong gatas at yung walang caffeine.”

“Paano po yun?” Sabi nung barista, referring to the walang masyadong gatas remark.

“Ah, lagyan mo na lang ng laway. Pwede na yun.”

E hindi naman mahirap intindihin ang walang masyadong gatas. In the end, marami pa din pala yung nilagay na gatas, inatake ako ng intolerance nung gabi.

Maybe next time, I should show my Lactose Intolerant Anonymous ID para hindi na ko nagsasabi na bawasan ng gatas.

At next next time, magpapagawa na din ako ng GIRD Anonymous ID para sa mga tulad ko na may heartburn at bawal na ang caffeine sa katawan.

–=+=–

At may binili na naman akong game nung…

(Tama na naman siguro itong sasabihin ko…)

… makalawa. Dumaan kasi ako ng Hobbes and Landes para bumili talaga noon. Hindi naman ganun kamahal yung card game. Around 330 pesos lang siya. Kayang-kaya pa ng bulsa. Hindi ko carry bumili ng mga highfaluting na mga board games tulad nung Mismo! sana na worth 2K.

E sabi nila original Pinoy game daw yun. Ok fine. Binabayaran dun yung Intellectual Property Rights nung gumawa nung game na yun. At least hindi ito yung mga board game ng channel 2 tulad ng Lastikman at Volta. Pwede ba.

Simple lang yung game, hango pa din sa larong Monopoly, isa itong card game kung saan kailangan mo namang makabuo ng tatlong set ng colored lots instead of gaining the most money in the game.

Madali lang siyang intindihin. Inabot kasi kami ng apat na oras kakalaro nito.

Ang maganda pa nito, wala lang. Wala na kong maisip.

Matutulog na ko.

–=+=–

Speaking of game, may LARP daw sa Linggo sa SMX. Makasali nga.

Advertisements

~ by targrod on September 14, 2009.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: