Of the ustwo #

Naalala ko tuloy yung movie na mahaba ang title, yung Eternal Sunshine of the Spotless Mind.

In Filipino, Ang Walang-hanggang Bungang Araw sa Makintab na Utak.

Astig yung movie na yan e. Ang takbo ng storya ay tungkol sa isang couple na nag-iibigan pero umabot yung point na ayaw na nila sa isa’t isa. Pagkatapos niyan, namatay sila pareho.

Joke.

Bale, pagkatapos nun, nagpatanggal sila ng mga alaala ng isa’t isa.

Pero isang araw nagkita sila. Hindi na sila magkakilala pero nagkainlaban na sila.

Ang nangyari nauwi na naman sila sa isa’t isa.

At naging cycle na halos ang lahat.

Parang Vanilla Sky.

In Filipino, Pleybor ng Sorbetes sa Langit.

Pero hindi ganun.

Naisip ko lang ito kasi ang smart ng takbo ng story. Kaya nga kick-ass pa din ito. Hindi ito comedy, hindi ito drama. Pero parang ganun.

At sa totoong buhay, factor pa din ito e. Gaano mo man kinakalimutan ang isang bagay, matatandaan mo pa din yan. Lalapit ka pa din.

Pag hinayaan mo.

Depende sa tao yun kung matatag o marupok siya. Parang semento. Parang yero. Pero hindi kaha de yero. At ang ingles ng dilaw ay…

Ang bastos kasi ng alaala noh? Yun ang tunay na anti-hero e. Pinabubuti ka kasi nasaktan ka. Natatandaan mo ang lahat, imposibleng hindi. Tao ka lang naman at hindi ka katulad ni Jim Carrey o nung babae na lumabas sa The Reader.

In Filipino, Ang Mambabasa. Duh.

At syempre kailangang mahalintulad ito sa current events. Hindi pwedeng hindi. Kasi dapat updated tayo.

Diyan na ngayon papasok ang palabas na Tayong Dalawa.

Kahit na anong layo ko sa palabas na ito dahil sumasakit ang ulo ko sa tele-drama, nauuwi akong makinig dahil nanonood ang nanay ko ng mga palabas na tulad na ito.

At tulad kanina, gaano man ako lumayo sa final episode ng Tayong Dalawa, kahit saan ako tumingin, mapa-sa computer o sa telebisyon, yun ang nakikita ko.

At opoh, mag-expect tayo ng book 2.

Hay nako.

Advertisements

~ by targrod on September 25, 2009.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: