Of the dead #

Nagpunta kahapon sa bahay namin yung iba naming kamag-anak at may nagsabi na may mga mas nasalanta pa or may worse pang nangyari compared sa amin. I think I can attest to that.

May kapitbahay kasi kami, malayong kamag-anak namin sa mother side ko. Namatay kasi yung anak niya nung Monday two weeks ago (not sure kung Monday nga). Anyhoo, medyo hindi naging ok ang buhay niya. And ayun nga, nung sabado, nung mag-start pa lang yung killer flash flood, ililibing na dapat siya. Medyo matagal na din yata kasi yung burol.

So, ayun na nga, alas-siyete ng umaga, inalis na yung karo ng patay sa village namin at nilabas na. Bandang alas nueve ng umaga, binalik sa lugar namin yung karo ng patay. Hindi na makadaan yung sasakyan ng karo kasi nga baha na. Ang nangyari iniwan siya sa may dulo (bale dun yung pinakamataas na lugar ng village namin), sa may mini-chapel namin.

Nung isang gabi, hindi ko sigurado kung Sabado o Linggo, tinangay ng baha palabas yung karo. Buti may nakakita.

Tinali na lang bale yung karo sa may simbahan.

At nung ala una ng madaling araw yata ng Lunes, may tinig ng babae na umiiyak na nanggagaling sa may mini-chapel. Hindi siya ganun kalapit a. Medyo malayo ang pinanggagalingan.

Nung Lunes na nakaalis na yung karo ng patay, nakahimlay na din siya sa wakas.

Kung kayo po ay nakabasa nito. Maaari niyo po bang bigyan ng sandaling katahimikan ang kaluluwa ni Marilou Leonardo.

Kung ok din po sana, makapag-sindi kayo ng isang kandila para sa kanya.

Salamat.

–=+=–

Maaaring hearsay lang yung mga nakuha kong istorya sa taas pero totoo pa din dun yung nangyaring pagbalik ng karo ng patay sa simbahan.

At napansin ko lang, pag ikaw yung nasalanta at may kakilala ka na may mas matindi pang nangyari mafi-feel mo pala yung pain ng tao kahit papano at nandun yung point na “kung ito nga nangyari sa kin, paano ko pa kaya malalagpasan yung nangyari sa kanya.”

–=+=–

On a lighter note, patay na yung dalawa naming pabo.

For obvious reasons, mas priority pa din ang buhay ng tao. Nakakatawa kasi na yung tatay ko talagang mahal na mahal yung mga pabo na yun dahil nung narinig namin yung kapitbahay na may sumigaw ng pabo, nagising bigla yung tatay ko sa pagkakatulog.

E wala din namang nakinabang sa mga pabong yun.

Kakatayin pa naman yun next month.

Sumalangit nawa ang mga kaluluwa ni Google 1 at Google 2.

–=+=–

Nire-ready ko pa yung photoblog ko… nakakalungkot tingnan e.

Advertisements

~ by targrod on October 5, 2009.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: