Of the whynne #

Choices.

Iyan. Iyan yung ginagawa natin most of the time. Usually, fifty percent ang chances mo sa bawat branch na ma-desisyunan mo.

Ito kasi yung tinutukoy ko, yung nang-upak si Arboleda ng fan.

Nagbasa ako ng mga blogs ni Firequinito.com at nina patayangbutiki.com at syempre marami silang intellectual na nasabi. Syempre, kabisado nila yung sports and at the same time I’ve been reading their blogs and mas nakakaaliw basahin ito compared dun sa mga traditional sports analyst natin.

Korni kasi sila.

For journalism churva daw. Pwede ba.

So, ngayon, sa akin, simple lang naman. Yung choice. Unahin ko muna si Arboleda.

Ganito kasi yan, binabayaran ka ng isang PBA team para maglaro ng basketball para sa kanila. At the same time ang mga fans ang nanonood at nagbabayad din para panoorin kayo na maglaro. Kahit hindi talaga kayo yung pinanonood ng ibang tao, it doesn’t mean na hindi sila paying customer. Kumikita ka ng daang-libo para sa ginagawa mo.

Isa lang ang ibig sabihin nito, kung mainitin ang ulo mo, iwan mo lang sa loob ng playing court kasi dun lang naman dapat iyan. At yung action mo na pananahod, ay makakapag-cause nga ng mga halo-halong mura hindi lang sa loob ng court kundi pati na din sa labas.

Alam ko masakit mamura ng hindi mo kakilala at apihin ng kung sino-sino pero hindi din naman excuse yung ginawa mo. That was your choice. Nanahod ka, expect na may marinig ka sa fan.

Ngayon, kung hinalikan mo yung isang player at nakarinig ka ng mura sa isang fan, e selos na yun malamang.

Pero kung gusto mong bumawi, e di makipag-murahan ka dun sa fan. Sigurado naman na mapapansin din yun ng mga security at referee. At mas mabuti kung ganun na lang sana ang ginawa mo. Hindi ka naman sinaktan nung tao e.

(Tapos bumawi ka sa labas ng stadium. Hahaha.)

Ito namang si Katigbak, dude papansin ka din sa totoo lang. FYI, hindi ito Ateneo-La Salle game na ngayon e hanggang name calling na lang ang intensity ng away, except for that Villanueva incident.

Dude, nasa labas ka na. Nasa public ka. And yung ginawa mo, hindi din excuse yun e. Fuck yung rason na you are a paying fan (na contradicting dun sa sinabi ko kanina).

Hindi lahat ng players kapareho mo. Hindi yan mentally fit para magtimpi sa kagaguhan mo. It was as if na isa kang red cape waiting for the bull to throw his rage at you. Hello? Syempre nasa harapan ka pa kung saan kaya kang habulin at upakan ng player.

Oh wait, nangyari na pala. So, after your foul-mouthed actions, anong ginawa mo? Daig mo pa ang naputulan ng balls. You just defended yourself. Shit. E duwag ka pala.

At pagkatapos nung incident, people say you gave a finger to Arboleda, na may harang na security.

How pathetic.

Now, if this is your way to act as a sacrificial lamb para matanggal yung tao sa league then look at it this way, ikaw may trabaho pa din in the future at hindi mo naman kailangang pumunta sa isang coliseum para lang manood ng live PBA game with your favorite team, Smart Gilas. Pwede kang manood sa bahay.

E siya?

Malamang kasi na kasuhan mo yan with slight or major physical injuries. Shit. Idadaan sa korte.

That’s stupid. Parang NCAA dinadaan sa korte.

–=+=–

Simple lang naman ang lahat, hindi dapat mangyayari yun kung wala yung dalawa sa scenario, don’t blame the security and referees. Pag nagkaroon ba ng rambol sa isang full-packed Ateneo-La Salle game, ibe-blame niyo pa din ba ang security at referees?

I don’t think so.

A person should always be responsible for his or her actions. In this case, it didn’t happen.

–=+=–

In fairness kay Katigbak, I know how it feels about things na nakakapang-init ng ulo tulad ng isang basketball game. Pero dude, wrong crowd and wrong venue e.

Advertisements

~ by targrod on October 20, 2009.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: