Of the yang #

Ayan.

I’m doing something a little bit lighter.

I want a Nintendo Wii. Mura na lang pala talaga siya. Around 12 to 13 thousand na lang siya.

Wala akong maisip na punchline for this.

Kahit luma… Sinong nanay mo???

–=+=–

Ayoko na din munang mag-English. Nauubusan na ko sa:

PFZ. (sabi ko nga, forever plugging yan e.)

Hindi ko alam kung okay na ko. Hindi ko alam kung bakit ako parang nasa sugar high lately. Basta alam ko masaya ako. Hahaha! Ayan… Isa pa. Hahaha!

Malamang madami din naman ang nakapansin sa aking dark disposition. Iiwan na lang natin diyan ang idea. Sa dark disposition. Katunog pala ng disposition ang suppository. Kung naglagay ka ng suppository tapos kumain ka nung dark kitkat, ano makukuha mo? Duh. E di dark suppository.

Yuck.

–=+=–

Ito ang pinakamahirap sa kin ngayon. May mga new friends ako na fan ng Twilight.

Tangina.

Wala na kong pwedeng sabihing kung anong chuk-chak. Or kailangang I-restraint ko ang sarili ko sa paghirit. Iba yata ang init ng ulo ng mga Twilight people e. Nag-aalabampira (to the tune of Bampira / Disturbia ni Rihanna).

E mabuti ba naman kung in a good way.

Kaso baka yung gamit nila yung may suction na may pangil sa dulo.

Bam-bam-bampira…

–=+=–

Uy, yung Starbucks daw, naglabas na ng planner for 2009!

Uyyy… malamang last year pa nilabas yan e. =)

Seriously, nag-release na sila, nung start pa lang ng Nobyembre. Yung ka-officemate ko kasi nakakuha na. Adeek sa kape yun e. Bawal ngang kausapin, sigawan, tapikin, tawagin, batuhin ng papel, I-announce ang pangalan sa P.A., sampalin, at kalabitin (kasi ang mga nangangalabit lang mga mister). Bigla na lang tumatalon e.

Bakit kaya?

Ngayon, since time in memorial… ay… immemorial ba yun or immoral? Whatever.

Foir the past two years kasi nakakakuha na ko nung planner. Ngayon, bawal na kong mag-kape. Pero since nakasanayan ko na. Nanlilibre na lang ako ng kape. Think of it na parang advanced Christmas gift ko yun. Pero syempre 17 lang yung stickers. Minus tatlo, kasi meron na ko. Tapos nakakuha pa ko nung free Starbucks kahapon sa resibo kasi ka-buwan ng kapanganakan ko si Lucky Manzano, April din siya. So, ayun. Pag nagkita tayo at hindi pa puno yung card, libre kita ng kape, my choice. My treat. My myx.

Pero limited lang ito… Tsaka magtatago ako e. Bwahahaha. Ako na lang ang ilibre nyo ng sticker. Ok na ko dun.

Advertisements

~ by targrod on November 19, 2009.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: