Of the yin #

Nakakatawa yung idea ng kung ano ba ang mas morally right, yung nanghamon or nagsimula ng away or yung gravity nung ginawa ng isang tao.

Let’s go back a few weeks. Let’s go back to the time when Arboleda overwhelmed a PBA fan. Hindi ba, ang daming sides ng mga tao nun? I mean, ang daming reasons. Ang daming sinabi. Pero nauwi lang ang blame kay Arboleda?

I think ito yung bad side nating mga Pinoy, kahit nakagawa ka ng hindi maganda, ok pa din sa mata ng society natin. Hindi ko naman sinasabi na tama yung ginawa ni Arboleda pero wala akong narinig na mali yung pagsabi ng Putangina Mo, nung PBA fan na yun.

Am I making any sense?

Napansin ko lang kasi. Ang hilig nating mga Pinoy makisali sa gulo, pag napunta na tayo sa sitwasyon na yun, hindi na natin alam ang gagawin natin. Blame this, blame that. Ganun kaduwag ang lahi natin. Walang umaamin talaga na fault nila o ano. Ang layo natin sa mga Hapon noon. Konting kibot lang Hara-kiri na.

Especially kung ito yung kabuhayan natin, survival ba. Syempre, lulusot ka na lang all you want para makuha mo yung gusto mo. You’ll say na you were successful kasi nagging street smart ka, pero meron din kasing thin line ang pagiging street smart.

Merong thin line yung naka-lamang ka sa kapwa mo versus yung talaga mas magaling ka lang talaga sa kanya. Parang pagda-drive. Napakaraming Filipino drivers ang “street smart” mag-drive. Kaya ganito ang daanan natin, pangit. Sisingit tapos biglang babagalan yung sasakyan. Ika-cut ka tapos sila pa ang galit. Logic na balu-baluktot. Ang panget.

Simple lang naman kasi, kung may aangatan ka, siguraduhin mo na hindi mo na kailangang ipamukha sa kanya yung ginawa mo.

Ngayon, babalik na lang ako dun sa sinimulan kong topic, kailangan na lang ba nating maging parang mga bata at idadaan na lang sa shake hands?

–=+=–

Sa dinami-dami kasi ng mga hindi pag-uunawaan natin dito sa Pilipinas, hindi na natutugunan yung mga dapat matugunan. Nabubuhay tayo sa experience over prevention. Nabubuhay tayo sa tayo muna kesa sa ibang tao. Ating pakatandaan lamang na no man is an island.

–=+=–

Shit. Seryoso? Pwede na ko sa Abante noh? Maganda yan sa may column malapit dun sa Xerex.

Ha? Wala nang Xerex? But why…

Pastor na yung may ari ng Abante?

Tsaka teka lang, bakit ba ako nagsulat ng ganito? Election na kasi next year. Alam naman natin ang priority ng mga politicians. Kaso makapal na ang balat nung mga yan. Kung gusto nilang yumaman, mag-boxing na lang sila.

Isa pa yun. Tatakbo itong si Manny. Sana ang ruling sa mga tatakbo sa politics is ten years of residency sa isang lugar. Isang reason lang kung bakit, para may pagmamahal naman kayo sa lugar na pinamumunuan niyo.

Advertisements

~ by targrod on November 19, 2009.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: