Of the moahtv #

Eto. Wait lang. Mag-emote lang ako. At excuse me, I am never going to use the word E*o.

Woo. Emo na naman.

Bwahahaha.

Naisip ko lang, ano yung pinaka-astig na dreamiest, time-stop, event sa buhay niyo? Yung talagang tumigil yung oras. Yung tipong kahit si Superman wala siyang magagawa kasi kahit ilang ikot niya sa equator ng counter-clockwise (?) e hindi magwo-work ang kanyang powers. O kaya yung hindi kilalang movie na Clockstoppers (oh, wag nang magtanong kung ano yung Clockstoppers, hindi nga kilalang movie e. hindi ka nag-iodized salt kanina noh) na talagang tumigil ang oras.

Stop!

Tapos may background song. Dapat yung astig. Dapat yung hardcore. Dapat yung astig at hardcore at the same time. Parang yung mabagal na mabilis na kanta. Yung rock song nung nineties na hindi ko na matandaan yung title. Hindi ko kasi masigurado kung Verve Pipe o The Verve yung tumugtog.

Pang-ilang beses ko nang na-mention ang idea ng time-stop event sa buhay?

–=+=–

Nung minsan nanonood ako ng mga local na mga sitcom. Alam mo yun, yung tipong something new. Masyado na tayong naulanan ng mga foreign shows na hindi na natin masyadong napapanood ang mga locals. Buti nga kumikita pa sila.

Ako nag-eenjoy ako pag nanonood ng Lokomoko High sa channel 5. Mababaw, may konting sexy pero hindi hardcore, tapos nagfi-feature ng mga matatanda at hindi naman ganun kagaling na comedians. Mas preferred ko yun kesa siguro sa kung ano man ang nasa channel 2 at channel 7.

Natandaan ko kasi noon, bakbakan talaga ang mga television sitcoms sa channel 2 at seven. Halos araw-araw may sitcom: Oki Doki Dok, Home Along Da Riles, Beh Bote Nga, Mana, Mana-mana, Palibhasa Lalaki, Abangan Ang Susunod Na Kabanata, Kaya Ni Mister, Kaya Ni Misis, Okay Ka Fairy Ko, Kool Ka Lang, Haybol Rambol, Kate En Boogie, Ober Da Bakod, at marami pang iba.

Pag sinilip mo ngayon ang local tv natin. Puro drama. Bukas na kaagad ang palabas, parang may ADHD ang mga taong nanonood ngayon. Tapos may season season na din, parang toyo at suka.

At ang provided lang yata sa atin ngayon, Show Me Da Manny at George And Cecil.

So, ibabalik ko sa sarili ko… asan na sila? Nandun sa channel 5. Dun na lang.

–=+=–

Pag nag-release kaya sila ng mga episodes ng mga tv shows na ito, mabebenta? Handa ka bang manood ng maraming episodes ng Palibhasa Lalaki? Gusto mo pa bang makita ang mukha ni Donita at Gelli nung bata pa sila? At sino ang gustong magtsaga sa isang superhero na katulad ni Ara Mina sa Super Klenk?

Advertisements

~ by targrod on December 9, 2009.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: