~ Pak pak ~

Naisip ko kanina lang na kung gaano kadaming pelikula noon ang kayang magpaiyak sa tao. Kung babalik tayo sa nakaraan, let’s say mga dalawampung taon ang nakaraan, halos buwan-buwan o linggo-linggo ang mga pelikulang may konsepto ng pagpapaiyak o drama.

Yung mga iyakan noon, hindi lang yung mga hikbi moments. Minsan sobrang draining yung scene na kailangan mong magpa-IV ng Gatorade. Hindi mo din naman mabe-blame ang mga scriptwriter noon. Adeek lang talaga sila. Kung natatandaan niyo yung mga scene noon, talagang nagsisigawan na yung mga artista. Kesyo lumaway na ang mga talsik e que si hoda na yun. Basta ang sabi ni Direk, “make it believable as possible.” Dapat bieberlivable talaga.

Kaya nga sa dinami-dami na ng mga nakakaiyak na scene, minsan dumarating na siguro yung scene na ganito. Sabihin natin si Hilda Koronel at Vilma Santos ang nasa isang scene.

Hilda Koronel: “Magkano itong ulam? Bente pesos isang takal ba? Pa-order naman ng isa oh.”
Vilma Santos: “Oo. Bente pesos lang. Saglit lang a.”
Hilda Koronel: “Bayad ko oh. Pasensya na wala akong barya e.”
Vilma Santos: “Wala akong panukli sa isang libo.”
Hilda Koronel: “Utang na lang muna a.”
Vilma Santos: “ANONG UTANG-UTANG?”
*PAK* Sinampal ni Vilma Santos yung isang libo sa kanang pisngi ni Hilda.
ni ni Hilda, “You’re nothing but a second grade trying hard, copycat.” Sabay buhos nung ulam *SWOOSH* sa mukha ni Vilma.
Vilma: “WALA AKONG BARYA! WALA!”
Hilda: “PUTANG… PAUTANG NA LANG KASI!”

Tapos niyan sabunutan na lang yung scene until fade.

Imagine, kahit anong sabihin ng artista noon, malakas ang impact. Basta ok ang delivery. Win na yun. Kaya nga ang lakas ng impact nung sampalan scene ni John Lloyd at Vilma dun sa pelikula nila last year. Minsan lang kasi tayo makakita ng ganung scene ngayon.

Puro… *PAK* “I’m naughty.” *PAK* “Hit me baby.”

Hindi ba?

Kaya nga ngayon, ang hinahanap ko na kadalasan sa sinehan. Hindi na yung nakakatawa. Hindi na yung nakakatakot. Yung nakakaiyak. Maiba naman.

–=+=–

Maganda dun sa scene na sinabi ko kung may *TSUK* pa.

At tinusok ng tinidor ni Hilda si Vilma sa ikalawang rib. Dun sa may kanang parte ng katawan.

Advertisements

~ by targrod on July 17, 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: