:: Top11: 100 porsyento ::

Nagulat ako sa pag-ulan ng batikos doon sa bagong ad campaign ng Bayo. Alam niyo yun, imposibleng hindi niyo pa siya nakikita dito sa Internet. Yung ‘What’s Your Mix?’ campaign:

Marami ang naging defensive kaagad at naging overly sensitive sa issue. Ang dating kasi ay bakit nabigyanng halaga, at lumalabas na mas mainam daw (na naman) ang mga half-breeds sa ating bansa, paano na nga naman ang mga 100% Pinoys na nandyan. Oo nga, 100% Pinoy tayo. Ang lahi na nahaluan na ng Malay, Spanish, Chinese, American, at Japanese. Isama mo na din ang British; baka nagkaroon kasi ng pagkakataon na nalahian nila tayo noong panandaliang pagsakop nila sa ating bansa.

Ang gusto lang naman ipahiwatig ng campaign na hinalintulad lang siya sa pagbagay ng iba’t ibang damit sa parte ng katawan. Mix n Match ika nga. Dun lang naman nila binase ang lahat. Naguguluhan ako na bakit kailangang mag-react ng ganun ang tao. Ganun ba tayo ka-insecure sa ating lahi o baka naman medyo exaggerated na ang pagtingin natin sa issue ng racism.

Dinaanan ko lang basahin ang poster. Hindi ko siya naintindihan (na malamang kaya wala ding impact sa buhay ko at hindi nanggagalaiti ang aking veins ng dahil lang dun), sabi ng iba na hindi maayos ang presentasyon ng write-up; sakit ko na din kasi ang speed reading. Pero sa aking napansin, wala akong nabasa na minamaliit ang pagiging 100% Pinoy. Kung mapapansin niyo pa nga, nakasulat sa ilalim na “Having Filipino lineage is something to be proud of.”

Hindi naman tayo minaltrato. Wala akong napansin na pag 100% ka na eh bobo, mahina, at engot ka. Wala akong napansin na ganun. Sa tingin ko nga eh, may gustong paratingin ang Bayo. Na may mas dating nga naman ang half-breed sa ating bansa. Well, totoo naman iyun, mas nabibigyang shine sila hindi dahil sila ay special kundi dahil mas kaunti sila at mas nangingibabaw sila. Kahit walang talent napapagbigyan.

At sa totoo niyan, ganito malamang ang naging usapan sa Bayo:

Boss: Ready na ba ang bagong campaign?
Employee: Ready na sir. Kaso baka magkaroon ng commotion dun sa gagawin natin. Medyo bold kasi ang dating. (Pero walang involved na hubaran a.)
Boss: Sige, ilaban niyo lang yan. Pag hindi nagustuhan ng mga tao, i-pull out natin. Sabay labas ng apology.

Sa bandang huli, Bayo ang nanalo. Sabi nga nila, sa panahon ngayon, negative publicity is still publicity. Di ba Chris Lao?

At dahil diyan, naisip ko lang (kasama na din ang mga pinagtipon-tipong ideas na nabasa ko sa Internet) na kung bakit medyo hindi magandang mag-react ng hindi maganda dun sa campaign:

11 Things. Bakit special pa din ang mga half-breeds at foreigners (at isama mo na din ang mga bagay na foreign) sa Pinas:

1. Limelight ng Azkals. Uhm, marami pong sports sa Pinas na dapat nating bigyan ng pansin din. Tsaka kasi yung iba pans lang nung grupo dahil pogi sila, hindi dahil sa team o sa kakayahan nilang lumaban globally.

2. Mga nagwala at nagalit sa American Idol ng matalo si Jessica Sanchez. American Idol po yun, hindi World Idol.

3. Mga nabibilib ng matindi sa Hollywood. Kung story lang ng isang pelikula, maraming bansa ang gumagawa at kayang higitan ang storyline ng Hollywood ngayon. Isama mo na din ang mundo ng pelikulang Pilipino, na sa totoo lang, kaya nating sumabay, kung storya lang ang usapan.

4. Na mas maganda ang scenery at lugar sa ibang bansa kumpara sa atin. Nasubukan mo na bang maglibot sa bansa?

5. Mga lumalayo sa mga foreigners kasi ayaw nating mag-Ingles. Eh sayang naman yung pinag-aralan natin. Hindi tayo kakainin ng mga yan. In fact, naaaliw nga sila at may nakakausap silang marunong umintindi ng kanilang lengwahe. Mahirap mag-sign language maghapon.

6. Yung mga ibang Pinoy na nakatapak lang sa dayuhang bansa, eh akala mo na kung sinong mang-mata ng kapwa Pinoy. Eh engot naman sa mga binibili nilang computer devices. (true story yan nung naging kolsenner agent ako)

7. Special treatment sa mga lugar kung saan na pareho lang naman kayo ng binayad pero may ‘extra service’ sa kanila. At pag sinabi kong extra, hindi po sex yun. At sex ang sinulat ko kasi maraming mag-squirm pag Tinagalog ko siya.

8. Disiplinado ang ating mga kababayan sa ibang bansa, bakit dito hindi kaya? Ganun ba dapat yun; na since ginagawa ng lahat, at kahit alam mo kung ano ang tama, eh sasabay ka na sa daloy ng ibang tao. Bad logic tol.

9. Mga tao sa ibang bansa na biglang nagkaka-twang ng matindi, nag-stay lang naman ng ilang taon. At isama mo na din ang mga pamilya na hindi marunong umintindi ng Filipino ang mga anak. Ang tito ko na deka-dekada nang nakatira sa Canada na taon-taon umuuwi, ganun pa din. Pinoy na Pinoy. Inaatake palagi sa tiyan pag pumupunta dito dahil sa kasabikan sa pagkaing Pinoy.

10. Na makaapak lang ng ibang bansa, magpapalit na ng identity. Dahil ang tingin sa pagiging Pilipino ay forever inferior.

11. Ang pagmamahal kay Justin Bieber ng ilang mga kabataan sa Pilipinas. Tangina lang.

– – – – – – – – – – – – –

Maganda pa nga ang sinulat nung kaibigan ko tungkol dito. Hindi na dapat mag-apologize ang Bayo. Gawan nila ng paraan. Kunwari 50% Ilocano, 50% Manileno. O di kaya’y 50% Employee 50% Mom. O kaya’y 50% Nice 50% Sexual Maniac.

Medyo nagiging hipokrito tuloy ang ilan sa ating mga kababayang nag-react ng hindi kagandahan dun sa issue.

At the end of the day, simple lang naman. Para sa akin, hanggang nasa puso mo na Pinoy ka, hindi na mahalaga at importante kung iba ang kulay mo o iba ang pinanggalingan mo. Habang mahal mo ang bayang ito, dito ka nararapat at ituturing ka naming kapatid.

Habang hindi ka binabatukan, wag lumaban. May mga bagay sa mundo na hindi na kailangang bigyan ng pansin.

Advertisements

~ by targrod on June 8, 2012.

4 Responses to “:: Top11: 100 porsyento ::”

  1. Ang sarap mong ka-balitaktakan! Can’t wait to hang out with you IRL in December! 🙂 Walang tulugan. 100% Kuya Germs!

  2. haha! tomoooo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: