:: Top11: Independence Day ::

(link)

11 Things. You can do to celebrate the Philippines’ Independence Day.

1. Pumunta sa pinakamalapit na city hall. Bumili ng dose-dosenang sedula. Pagkatapos ay pumunta sa food court ng isang mall, tumayo sa mesa, at sabay sigaw ng “Sabay-sabay nating punitin ang ating mga sedula!!!!”

2. Pumasok sa office ng naka-Katipunero look. Importante ang pulang bandana. Huwag kalimutan.

3. Gumawa ng mga karatula na may nakasulat na “Ibagsak ang Dayuhang Korporasyon!” Ikabit ito sa lahat ng makikita mong istatwa ni Ronald Mcdonald.

4. Mag-ikot sa ka-Maynila-an at manakop ng mga Bataan ng mga mukhang Spanish, American, at Hapon. If you know what I mean.

5. Ipamigay ang sariling puri. Tutal ‘you are free’ naman sa araw na iyan.

6. I-hack ang website ng mga major local news at palitan lahat ng text ng Noli Me Tangere o El Filibusterismo.

7. Magsuot ng yellow na sunglasses, blue na pang-itaas (shirt man o polo), bright red na pantalon, at puting sapatos.

8. Sa loob ng elevator, maglabas ng punyal at mag-aya ng blood compact.

9. Manood ng last full show ng prometheus o avengers. Pag nagpapalabas na ng trailers, pumunta sa harapan at ihanda ang bullhorn. Gamitin ang bullhorn sa lahat na kailangan nilang tumayo ng tuwid at kumanta ng Lupang Hinirang. Sitahin ang mga tinatamad sa pamamagitan ng paghampas ng pagi.

10. Mag-bold sa isang lugar at kumanta ng “IBONG man may layang lumipad…”

11. Pumunta sa channel 2 at hanapin si Randy Santiago. Pag nakasalubong mo, sabay sigaw ng “Gen. Emilio Aguinaldo!! Idol kita!!!” Wag kalimutang magpa-picture; cam whore shot dapat.

Advertisements

~ by targrod on June 12, 2012.

5 Responses to “:: Top11: Independence Day ::”

  1. “8. Sa loob ng elevator, maglabas ng punyal at mag-aya ng blood compact.”

    The best!

  2. Tanginang fashion statement yan!
    “Magsuot ng yellow na sunglasses, blue na pang-itaas (shirt man o polo), bright red na pantalon, at puting sapatos.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: