:: Top11: Cool Lang ::

(link)

11 Things. Mga epekto o pwedeng gawin kapag may nakalaro / naasar kang pikon.

1. Magkakaalaman kung sino yung tunay na masayang kalaro. Syempre ang siguradong masaya dyan yung nang-aasar. Kahit sa hukom pa sa Uzbekistan mo ilaban, masarap mang-asar ng pikon.

2. Mababawasan na ang options mo sa pagpili ng ‘Sportsmanship Award’. Less options mean less problems. And less problems mean that maso-solve mo na (at mabibigyang focus) ang recurring pain ng global warming at ng emo-ism. In fact, dahil lang diyan, pwede ka nang tumakbong presidente next year (o kahit senador na lang muna). At congratulations in advance ah. Mabuhay ka. MABUUUHHHAAAYYY!

3. Mababawasan na ang reregaluhan mo tuwing Pasko. Imagine, hindi ka na mahihiyang pumunta sa lintik na sex shop sa Metrowalk. Kung anu-ano kasi ang trip nung taong iyon.

4. Magkakaalaman na kung sino ang tunay na magkakaibigan pag nagkaroon na ng rambol. Pero mainam ito lalong-lalo na kung gusto mong ibreak-in yung bagong biling taser gun.

5. Mae-experience mo yung term na ‘solian ng kandila’. At pwede mo din ma-experience yung tutuluan siya ng kandila. Wala lang. Para lang lalong mapikon.

6. After five years, pwede niyong balikan ang kwento ng pagkakapikon niya. Minsan wala lang, pero minsan mitsa ito ng bagong kapikunan. Ang saya hindi ba? Hango yan sa kasabihang “repeat and repeat until you suck Sid” este “History (always) repeat itself.”

7. Makakakita ka na, finally, ng local version ni Incredible Hulk. Dyoskomaawain, wag lang siyang magtanggal ng salawal *ng dahil lang sa galit*.

8. Kikita ka ng limpak dahil dun sa hidden video mo sa kanya, at sinubmit mo ito sa Top20 OMG! Videos ng Fox Network.

9. Pwede mo pa ding pagkakitaan ito sa pamamagitan ng paghabla at paghingi ng danyos dulot ng kanyang sapak sa iyo. Tapos humingi ka ng sandamakmak na awa sa FB. Effective yan, pramis.

10. Pwede ka nang gumawa ng TV show, libro, o pelikula kung saan hango dun sa nakalaro mong pikon ang takbo ng buong kwento. Italian o Latin lang ang peg. Pansin niyo ba na parang ang bibilis nilang mapikon lagi sa mga nakikita mo sa media?

11. Pikon sex = yun bang hindi ka makakakuha ng sex kasi pinikon mo yung partner mo.

Advertisements

~ by targrod on July 3, 2012.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: