:: Top11: Left Job ::

(link)

11 Things. Statements na masasambit mo ang mga katagang “Suntukan na lang!”

1. Maghanap ng respeto sa pamamagitan ng paghingi ng daing sa publiko pagkatapos kang “bastusin” sa isang show na punong-puno naman ng bastusan. Kapag ibang tao okay lang, pero pag ikaw hindi na pwede?

2. Ang pagsiksik at pagsungit sa iyo ng dambuhalang nilalang kahit masikip na sa gitnang bahagi ng FX. Yun bang tipong ikaw pa ang lumalabas na masama samantalang yung ribs mo ay nag-uusap na sa loob ng iyong katawan at nagwe-welga na dahil gusto na nilang makipag-break sa iyo dahil kulang na sila sa space.

3. Kapag nanalo ng award ang kahit na anong variety show ni Willie Revillame.

4. Or kapag ginawaran si Manny Pacquiao ng Most Promising Male Singer of the Year.

5. Isama mo na din na kapag naka-grandslam ng awards si Kris Aquino + foreign awards, tulad ng Cannes at Golden Bear ng BIFF.

6. Kapag sinabi o ni-tweet ng uber-yaman mong kaibigan na naghihirap na sila at ang “diet” niya ngayon ay ang mga kadiring Mcdonald’s, Chowking, KFC, Chic-boy, at Jollibee.

7. Kapag nanalo sa pagka-presidente si Lito Lapid.

8. Ang ipagmayabang na isa na siyang hinirang na photographer samantalang lahat ng images niya ay dinaan lang sa pamamagitan ng Instagram.

9. Ang makipagtalo sa iyo ang kaibigan mong babae dahil pinagpipilitan niya na yung crush niya ay tunay na lalaki samantalang damang-dama at alam na alam na ng lahat na nagtatago lang sa closet si kuya. At ang pinakamalupit pa noon ay hiritan ka ng, “eh mas lalaki pa nga sa iyo yun!” Lalaki? Naka-pilantik palagi ang daliri? BOOM!

10. Kapag hinirit ng kaibigan mo na nasa ibang bansa na nagsasawa na siyang manood ng gigs ng Broken Social Science, The Kooks, at kung anu-ano pang foreign bands na alam mo na sa Youtube mo lang sila mapapanood, ever.

11. Ang magkaroon ng stage pass sa concert ng Eraserheads at nung time na tinapat ni Ely Buendia yung microphone sa iyo, ni hindi mo alam ang lyrics ng kanta na galing sa pinakauna at pinakasikat nilang album. Sasabihin mo na lang sa sarili mo kung bakit nabibiyayaan ang mga poser sa mundo.

Advertisements

~ by targrod on July 4, 2012.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: