:: Insidente sa FX ::

Nandoon na nga siguro ang signs kanina. Dapat hindi na kami tumuloy dahil umuulan at naka-idlip ako kahapon na supposedly late na kami dapat doon sa End of Term Feast ng Hogwarts Philippines. Dapat ginamit ko na lang yung sasakyan, hindi ko din narinig kasi na in-offer ng aking mga magulang na gamitin na lang muna yung sasakyan tutal Linggo naman at walang gagamit. Dapat bumaba na kami ng FX simula noong maamoy ni Armi yung masangsang na naidudulot ng masamang droga sa hangin; at dapat talaga bumaba na kami noong mga oras na iyon dahil sana nakinig at sumunod kami sa mga senyales na dinulot sa amin ng panahon.

Pero ano pa ba ang magagawa namin noong dumating ang kahindik-hindik na pangyayaring naganap kahapon sa may Taguig / Makati area.

Ito na yata ang bagong modus operandi ng mga halang ang bituka; simple lang naman ang peg nila. Mag-aabang sila ng FX sa may Bagong Ilog, Pasig; yung may waiting shed sa may isang pabrika dun sa may ibaba ng flyover. Sa aming nasaksihan at na-experience kanina, tatlong lalaki ang sumakay sa FX. Sabi nga ni Armi, hindi na siya mapakali ng mga oras na iyon. Dahil medyo weird nga ang nangyari. Bale, halos puno ang FX; pito kaming pasahero, kasama na yung driver. Nagkataon na yung pwesto sa may driver’s side at sa middle part ng FX ay tig-isang pasahero na lang ang kulang. Sa may likod naman, kung saan kami nakaupo ni Armi, dalawa pa ang pwedeng sumakop sa upuan. Pero sabi ko nga weird ang nangyari at kung bakit hiwa-hiwalay yung tatlong holdaper na umupo; sa bawa’t sulok ng FX sila pumwesto: isa sa harap, sa gitna, at sa likod.

Syempre, hindi ko naman sila pinapansin. Pero natutunugan na nga ni Armi, panay kasi ang tingin sa amin. Iba’t-ibang parte ng katawan namin. Sinusuri siguro ‘yung makukuha. Hindi ko natatandaan yung itsura nung nasa gitna at sa harap. Pero medyo natatandaan ko yung nasa likod dahil katapat lang naman namin siya. Payat na lalaki, halos mukhang adik siya. Naka-cap at may hawak na parang clutch bag. May jacket din yata siyang suot.

Bago pa man sila mag-announce ng hold-up, papansin na ‘yung nasa gitna. Nagsasabi kasi na wala daw siyang barya na pambayad. At sabi ko nga kanina na weird dahil kung magkakilala kayo, bakit hindi kayo magtabi ng upuan. Sabi kasi ni Armi, inabot pa nung nasa likod yung bayad niya dun sa lalaking kasasakay lang na nasa gitna.

Pag-liko namin dun sa may intersection sa may Buting at paglagpas ng kaunti dun sa tunnel, nag-announce na yung nasa gitna na may hold-up nga. Tatlo silang may baril. Ang itsura nung baril ‘yung parang mahaba ‘yung nguso, halos pa-cylindrical ‘yung itsura. Pinilipilit ko ngang i-analyze kung tunay na baril iyon, dahil alam ko ang itsura ng ordinaryong baril.

Wala na din kaming nagawa kung hindi ibigay na lang ang lahat ng gamit na nagustuhan nila. ‘yung cellphone ko at pera ang nakuha. Halos tatlong libo din yata yung nakuha. Mabuti nga at napakiusapan ‘yung nasa likod na pera na lang ang ibigay. Iyong kay Armi, cellphone din at pera na halos 2500 ang halaga. Pati ang Lego watch ko pinatulan. At habang hinoholdap kami nung nasa likod, naka-ngiti pa. Naisip ko na lang na parang high na ang mokong sa drugs.

Muntikan nang may mangyaring masama sa amin, dahil ready nang iputok nung nasa gitna ang baril niya sa kadahilanang ‘yung bagong graduate na katabi niya ay ayaw ibigay ang kanyang mga ari-arian. Ang sabi niya kasi sa amin, galing pa siyang probinsya at feeling ko walang-wala pa talaga siya. Iyong mga tipong naghahanap lang talaga ng trabaho dito sa Maynila.

Bago pa man dumating doon sa may call center, nakababa na sila finally. Shaken ang lahat ng pasahero at dali-dali kaming sumugod sa pinakamalapit na outpost ng baranggay. Kami naman ay tinugunan nila at dinala sa presinto 7 ng Makati. At doon nilahad lahat ng nangyari sa amin.

Hindi na sila nagulat dahil nung Sabado pala, may ganoong nangyari din. Puro blackberry daw ang nakuha.

Ang hula ko lang sa kanilang modus ngayon, ‘yung mga byaheng Ayala ang pinupuntirya dahil sa byaheng ‘yun, may mga parts na walang tao. Madaling makatakas kumpara sa byaheng Megamall, kung manggagaling ka dito sa may East area.

Mabuti na lang at hindi ako nag-panic. Importante pa din ang presence of mind ng isang tao kahit nasa bingit ka na ng kamatayan. Ibigay ang lahat ng mga ari-arian dahil mababawi din naman yan. Oo, pain in the ass ang kunin ang lahat ng contact numbers ng mga kakilala, pero ganoon talaga ang buhay; darating ang mga hindi inaasahan, pero dapat ready palagi.

Siguro sa ngayon, sana mahuli sila ng mga kinauukulan. Gustuhin ko man silang mura-murahin maghapon pero parang hindi naaayon, mas mainam siguro kung mangyari ito ng harap-harapan. In fact, ang pinagdadasal ko na lang ay mapunta sana ang mga nanakaw nila para dun sa pamilya nilang may sakit o nagugutom. Pero mukhang hindi dun mapupunta ang pera.

Sana alerto na ang mga pulis sa Makati, Taguig, at Pasig area. Kawawa naman ang mga kababayan natin na hirap na hirap sa pagtatrabaho pero mananakaw lang sa kanila ng ganun.

At sana hindi na ito maulit, dahil nakaka-trauma din kahit papaano ang nangyari sa amin.

Kaya para sa mga kakilala ko na nanggagaling din dito, maging alerto po tayo. Kung may matunugan man kayo, bumaba na kaagad. Mahirap na kung ang kapalit ng mga ari-arian ay buhay.

Advertisements

~ by targrod on July 30, 2012.

11 Responses to “:: Insidente sa FX ::”

  1. I’m glad that you’re safe and lived to tell the tale. Tamang ibigay lahat ng valuables, mababawi mo yan. Sadyang ang kapal talaga ng mukha ng mga yan. Nakakagigil. >_< Ingat lang po parati.

    • i think people should always tell their story. para maging alert sa mga bagong modus. kaya ko din siya sinulat, part ng paghinga ko iyan sa lahat ng mga nangyari. yes, nakakainis na nakakagigil talaga. pero minsan kailangan na lang sumabay sa agos ng daloy. salamat.

  2. The main thing is you are now both safe. Forget about it but always be on guard.

  3. Ouch! Scary yan. Did they get Armi’s SIII??? Yeah, what’s more important is that you’re safe.

  4. Pag naaalala ko to kinakabahan ako..

  5. Glad you’re both okay. 😐

  6. Damn muntik nrin kmi maholdap knina sa may c5… sa van byaheng Tikling kmi smakay along kalayaan tapos pagdating sa buting sa pilahan ng fx dun may dlawang lalakeng smakay.. konti lng kmi sa van originally, 5 lng kmi pasahero, isa sa harap tapos 4 sa likod.. sumakay yung isang holdaper sa harap tapos isa sa likod.. pagsakay plang nung isa sa harap nkahalata n ata yung isang pasahero sa harap bumaba cya agad.. may signs nrin ako nakita pero I ignored it.. f*ck… I feel like an idiot.. I take pride in reading people pero there I was Ignoring it all.. Buti nlang tlaga maayos at mabuti loob nung katabi nmin n girl.. she showed a text sa gf ko stating na naholdap n cya ng same guy n kssakay lng sa fx din daw sila hinoldap.. so pagbaba ng flyover para kami agad sa may Caltex… ayun lesson learned..kelangan alerto n lagi uli sa mga ksabay sa fx.. feel sorry dun sa isang guy n naiwan.. hndi namin masabihan ksi katabi mismo nung holdaper.. While reading the article above napansin ko may parehong ginawa yung magksama e.. sinabi nya dun sa ksama nya n wala daw cya barya pambayad.. cguro code nila yun for something… hope this help warn others n lagi nagccommute.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: