:: Habs: the end ::

Ako na siguro ang pinaka-swerteng tao sa mundo. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa akin, may malupit pang nangyari sa aking katawan kahapon. Gusto kong ma-bad trip pero para saan pa? Kung sadyang kamalasan lang naman ang aking natamo na hindi dulot ng kahit kanino.

Ganito kasi iyan. Hindi naman sa maarte ako sa baha pero noong oras na iyan, yung kapitbahay namin nag-kumikitang kabuhayan sa pamamagitan ng pagbuo ng maliit na balsa galing sa kahoy at puno ng saging. Sa madaling salita, ako ay sumakay at umangkas sa kapitbahay sa halagang singkuwenta pesos. Dalawang bagay: para hindi mapagod kaagad at para hindi mabubog.

At napansin niyo naman ang ginawa ko. May pa-video-video pa habang nakasakay sa balsa.

At nang ako ay nakababa na at tumawid papuntang Ever Gotesco, ayun, nabubog yung paa ko dun sa maliit na puddle ng baha. Sapul na sapul. Dugo kung dugo. Mabuti na lang at nakatakbo ako kaagad sa Mercury upang pansamantalang gamutin muna ang sugat. Hindi naman baon na baon pero sigurado ako lumabas yung pari na malamang nagalit pa ng todo sa mga taong Pro-RH Bill.

At dahil ako ay naniniwala sa mga simpleng signs, omens, at cryptex, may nakakita sa aking lalaki na galing lang ng hospital. Saktong sabi niya sa akin na galing din daw siya dun dahil nagpa-ineksyon siya ng panlaban sa tetanus at sa leptospirosis. Syempre ako ay nawindang sa narinig ko. Pagkatapos kong bendahan ang aking sugat sa paa, ako ay tumungo sa hospital na malapit sa amin.

Mabuti na lang at hindi na sila lumubog. Mabuti na lang talaga. Ang saya-saya. Imagine, yung lecheng skin test, hataw pala sa sakit yun kapag hindi sa Medical City ginawa. At kasama na din dun ang ineksyon sa braso, pero hindi na ganun kasakit. Mas masakit lang siguro yung nakita kong matanda na inatake dahil diabetic yata siya.

At ito pa. Ang presyo ng gamot ko ay *tan-tanan* 1800 pesos lang naman. Sa isang upuan. Pero naisip ko na din na mas importante ang prevention kaysa sa huli na ikaw ay nagdurusa dahil maarte ka.

Gusto ko din isingit na kinailangan kong gawin yun dahil nakakita ang aking ama ng daga na kasing-laki ng ulo ni Mahal. Dahil alam ko pagbalik ko sa bahay, ako muli ay lulusong sa baha at mangangamusta ng mga ipis na nagkukumpulan.

Ang saya lang ng aking bagong baha experience.

Advertisements

~ by targrod on August 11, 2012.

One Response to “:: Habs: the end ::”

  1. […] This is a summary of what had happened to us during the week of the unnamed natural disaster (clicky if you must or you can just browse down, your choice): Day 1. Hello flood. Day 2. Waiting sucks. Day 3. We try to survive. Day 4. Land. Epilogue. At may pahabol pa. […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: