:: tunay na debate ::

(link)

Alam niyo ba ang tunay na isyu na dapat tinutugunan ng mga tao ngayon? Hindi, hindi ang pagiging epal ng Nepal tungkol dun sa Robredo air crash. Hindi din dun sa pag-plagiarize ni Tito Sotto. At lalong-lalo na hindi ang lintik na usapan at debate tungkol sa RH Bill na iyan.

Ang tunay na alitan na dapat pansinin natin ngayon ay ang Twister Fries ng Mcdonald’s at Crisscut Fries ng Jollibee.

Oo. Totoo yan. Maaaring hindi mo siguro matanggap na ‘yan ang tunay na usapin at dapat pag-usapan sa panahon ngayon. Pero may mga dapat ungkatin kasi na sumasamo sa mga pangyayaring hindi obvious. Syempre, quiet lang ang dalawang malaking fastfood chain pero sa totoo lang may hardcore na alitang nangyayari dahil lamang sa mga produktong galing sa patatas.

Ngayon siguro patas ang mga patatas.

Unahin muna natin sa itsura ng bawat patatas. Ang isang bagay kapag ginawa mong spiral, nagcre-create yan ng phantom na force sa gitna. May special hatak yan. Kaya nga kung mapapansin niyo pag kumakain kayo ng Twister Fries, halos hindi niyo siya mahawakan sa gitna. Ang gusto niyo lamang ya hawakan siya sa dulo, iangat sa mukha, tumingala at kainin na parang basang sisiw na nag-iintay ng pagkain na galing sa kanyang nanay na punong-puno ng grinded na uod.

Ang Jollibee naman mas hardcore. Obviously, ayaw nilang gayahin ang porma ng Mcdonald’s. Ang irony kasi ng situation sa totoo lang. Ang Mcdonald’s ay isang banyagang kainan sa totoo lang. Pero malamang ang Jollibee, nakakuha ng ideya sa itsura ng waffle. Halos waffle na po mga kapatid ang itsura ng isang piraso o cut ng Criss Cut Fries. Kaya sa madaling salita, yung supposed na debate na iyan ay controlled ng mga ma-impluwensyang tao sa USA. Oo, ang CIA. Sila lahat ang nagpapaikot ng mga bagay-bagay na iyan. At since tayong mga Pilipino, namumukod-tangi pa din naman ang colonial mentality sa ating katawan. Mapapansin niyo na ginagawa na naman tayong puppet ng mga Amerikano.

Ang lasa ng dalawa ay halatang iba. Pero sa bandang huli, inyong iisipin, kapag pinagsabay ko ba ito ano ang makukuha ko? Alat at utot. Alat at utot mga kapatid. Pero kung inyong mamarapatin, kung ano man ang inyong panimulang panlasa, kesyo sobrang alat ng Twister Fries o ang pagiging bland ng Criss Cut Fries, hindi mo alam kung sino ang malakas manlason sa ating mga Pilipino. Sasabihin natin masarap sila. In fact, may drug-induced factor pa nga ang mga fries na iyan. Hindi ba? Simula noong lumabas ang Twister Fries, napakarami sa kakilala ko ang nag-react na gusto nila ng Twister Fries. At pati dito sa bahay naman, nanay ko na-adeek na sa Criss Cut.

Ito na ba ang makabagong shabu at tsongki na sisira sa ating lahat? Lalo na at pati mga batang paslit ay tumatakam ng mga fries na ito. At ang nakakatawa, isinusubo pa ng kani-kanilang mga magulang ang mga kahindik-hindik na pagkain na iyan.

At ang pinaka-matinding debate dito ay ang availability ng mga fries. Ang Twister Fries, parang British series lang iyan. Limited ang pagpapalabas. Definite kumbaga. Yung tipong ang katawan mo ay ready na sa pagbili at pagkain, pero alam mo yung fact na mamu-Murphy’s Law ka at hindi ka aabot. Tinakam ka lang. Samantalang ang Criss Cut Fries, parang US TV series lang. Kapag nagsawa na ang studio at bagsak sa ratings. *BOOM* Bye-bye Criss Cut.

Sa tingin ko, dapat na bigyang linaw pa ang debateng ito. Napakalaking tulong ang maipapadala nito sa karunungan sa ating mga mamamayang Pilipino. Naniniwala ako sa sinasabi ng mga Conspiracy Theorists na ang mga fries na iyan ay dulot din ng nalalapit na paggunaw ng mundo. Hindi man kayo maniwala sa akin pero mabuti na din at informed kayo.

Naaawa lang kasi ako.

Advertisements

~ by targrod on August 22, 2012.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: