:: buhay pa po ::

OPM is Dead. ‘yan. ‘yan ang umalulong sa media noong mga nakaraang araw. Lumang news na actually ‘yan. Kasi madalas ko na talagang naririnig ‘yan. Bago ang lahat, basahin niyo muna ang mga nasa links na ito: The Life & Death Of OPM, OPM Isn’t Dead, You Idiot, and OPM Is Dead, So Sue Me.

Lahat ‘yan nagdala ng ingay lately.

Dahil humirit ako ng ganito, hindi sa nakikisawsaw ako sa usapan, datapwa’t ito ay paraan upang mapag-usapan ang ganitong klaseng bagay. Importante ito, dahil baka dumating ang araw at naiwan na sa kawalan ang supposed na musika na gawa at sariling atin.

Maraming punto ang naihain sa mga nasabing articles sa dyaryo at blog. At marami ding rason naman talaga kung bakit sinasabi nila na OPM is Dead.

Ang pinaka-obvious at madalas na naririnig ko ay yung mga taong Forever Single o yung mga hindi maka-move on na ang superest greatest band of all time ay ang Eraserheads. Hindi ko naman kinakaila na sila talaga ang pinaka-patok na banda dito sa Pilipinas. In fact, mayroon pa nga silang North American Reunion Tour ngayon. Gets na natin ‘yan. Given na ‘yan. Hindi na kailangang i-bring-up palagi. At fo sho, pag tinanong ko sa iyo kung ano ang pamagat ng kanilang last album, baka maghukay ka sa baul dahil malamang hindi mo naman talaga masasagot ‘yan, dahil alam mo lang na number one band of all time sila dahil sa mga sumikat na kanta sa kanilang first three albums.

Pero hindi enough na rason ‘yan. Na hanggang ngayon ay hindi maka-move on ang local band scene sa style ng Eraserheads. Diyan ka nagkakamali. Magugulat ka sa local band scene ngayon. Nandyan ang Camerawalls, Your Imaginary Friends, Ang Bandang Shirley, Bagetsafonik, Outerhope, Taken By Cars, Ciudad, at marami pang iba. Isama mo na din ang mga mainstay na Parokya Ni Edgar, Ebe Dancel, Peryodiko, Itchyworms, etc etc etc. Fo sho, buhay na buhay ang local band scene natin. At ‘yan ang tunay na nagdadala ng OPM dito sa Pilipinas.

In fact, recently lang, ang Outerhope at Taken By Cars ay lumahok sa mga music festivals sa ibang bansa. Astig, hindi ba?

In short, kung talagang naghahanap ka ng OPM, maraming paraan para makapakinig ng bagong tunog. Hindi naman nila pinagbabawal na pumunta ka sa mga gig spots tulad ng Route 196, Saguijo, at 70’s Bistro. Isama mo na din ang mga Like Pages ng mga banda na ito, may mga sample music sila doon. Pwede mong pakinggan ng libre. At kapag nagustuhan mo, eh di maganda. Pwede mo silang tulungan sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang musika. In fact, gumagawa na nga din ng paraan sina Ogie Alcasid sa pamamagitan ng Opm2Go.com. Isang local site kung saan pwede kang bumili ng mga kanta na puro gawang Pinoy, think ITunes.

Pero ito lang ang napansin ko. Karamihan talaga sa atin, tamad. Yun na nga siguro yun. Cultural laziness ang tumatakbo sa dugo at isipan natin ngayon. Dati kasi, ang laki ng naitutulong na nakaupo lang tayo o nakahiga sa kama at nakikinig sa radyo at tv. Hindi na natin kailangang maghanap, nandyan na. Hinahain na lang sa iyo. Kasama na din siguro yung fact na wala ka na din namang ibang pwedeng gawin at pakinggan. So, might as well enjoy it na din. Kasama na din siyempre ang milyong-milyong choices na mas dumami ang kalaban ng ating mga kababayang musikero dahil sa global competition.

Ito ang pangalawang punto, siguro, kung bakit OPM is Dead. Suporta ng mga big labels. Yung nagfa-fund ng lahat para lang i-introduce sa ating lahat ang mga kanta ng mga singers na ‘yan. Gamitin natin ang Eraserheads logic.

Ano kaya ang mangyayari kung hindi dumating ang Eraserheads? Maaaring may papalit sa kanila na banda pero kasing-linis ng Introvoys at After Image malamang. At napakalaking factor talaga na sila ay nabigyan ng break ng isang label. Imagine a, natatandaan ko na nagge-guest pa sila sa TV noon. Eh hindi naman siya usual noong mga panahong yoon.

At syempre kung walang suporta ng big labels, walang means para paglaruan ang mga radio stations. Aminin natin na minsan, nakakatulong din talaga na “nanunuhol” ang mga yan para patugtugin sa pang-araw-araw. Hindi ka ba nagtataka at dati ay may mga pinatutugtog na mga OPM na hindi mo alam kung bakit laging naghi-hit? At alam mo naman na sawang-sawa na ang mga tao sa kantang ‘yun. Hindi ba?

Pwede nating sisihin ang piracy dahil dito. Kumbaga, naging super safe na ang mga production companies na bigyan ng break ang kahit na anong OPM ngayon. Kaya nga ayon doon sa isang nasusulat, kung papansinin niyo, puro remakes na lang palagi ang nilalaban sa masa. Familiarity helps. Tulad ko, gusto kong sampalin ang Star Records ngayon dahil nag-release na naman sila ng tribute album ng Eraserheads. Anak ng teteng, NA NAMAN! Pero ano pa ba ang mare-react mo? Kailangan din naman kumain ng mga musikero. Besides, may mga tracks pa din naman doon sa album na kaaya-aya.

Pangatlong punto, na-degrade na sa quality ng kanta ang karamihan ng mga ginagawa at sumisikat ng ating mga kapatid sa musika. Kaya nga laging may comparison sa seventies. Isa ang seventies sa hitik sa lirika at pagsusulat patungkol sa musika. Kaya nga sila na din palagi ang ginagamit kadalasan para i-remake.

Minalas na lang tayo dahil nag-boom ang mga kanta ni Lito Camo. Hindi ko sinasabi na olats talaga si Lito Camo; nasobrahan at naumay na lang tayo sa kanyang mga nagawang kanta. At sa totoo lang hindi naman pasok talaga sa panlasa natin ‘yun. Novelty overload lang ang peg.

Eh bakit noong seventies at kahit noong nineties may borderline jologs na mga kanta pero hanggang ngayon kapag narinig mo, may punto na okay lang na marinig mo siya kahit na alam mong jologs. At kapag kinanta mo siya sa videoke, hindi mo ikahihiya na yun ang nilagay mong kanta. At todo bigay ka pa sa pagkanta kung minsan. Samantalang katarantaduhan kung ang kakantahin mo ay ang mga novelty songs ng 2000’s.

Pang-apat, timing. Timing lang naman palagi yan na may kasamang swerte. Kumbaga, may kanya-kanyang era ng boom ng mga genre ng kanta dito sa Pilipinas. Recently nga hindi ba, nagkaroon ng boom sa pogi bands, rap metal, at band contemporaries tulad ng Side A at Freestyle. Alam natin na naghihikahos na sila sa pagpapasikat ng kanta pero sa totoo lang, hataw pa din sila sa mga live gigs nila. At syempre naging magandang factor din, for a time, ang mga reality contests na nagpasikat sa mga tulad nina Christian Bautista at Mark Bautista. In fairness, sa grupo ng mga kabataang ‘yan, OPM ang kanilang naibahagi sa atin.

Pero ano na ba ngayon ang uso? Ang novelty ay laging pasok pero sa panlasa ng tao, medyo 50-50 ang market niya. Pinipilit nilang gayahin ang K-Pop ngayon. Alam naman natin na mahihirapan tayo dyan dahil malaking backing ang kinakailangan. Personally, ang nakikita ko lang ay may possibility na humataw pa din ang mga local bands na may pangalan na. At mayroon din ang mga local indie bands…

Kung makikinig lang din sana ang mga radio stations sa pagpapalawak ng kanilang musika.

Dahil para saan pa ang FM Radio kung puro na lang foreign songs ang patutugtugin nila.

Kaya ang pinakamagandang gawin natin ngayon, sana walang sawa tayo sa pagbili o kahit pakikinig ng musika na gawa sa atin. Hindi naman natin kailangan talagang bumili, kaya nga nandyan na si Internet at hinahain na sa atin. Ang gagawin mo na lang, makikinig ka na lang. Kung kaya mong tumambay sa FB maghapon, sigurado naman na kaya mo ding makinig ng kanta ng isang grupo, banda, o solo, kahit limang minuto lang ng iyong oras. Alam mong naririnig at matunog na ang pangalan nila, galing sa mga kaibigan mo, so bakit hindi mo subukan. Dati, halos sapilitan naman ang karamihan.

At ikaw na mahilig sa musika, go na go pa din sa pagsuporta. Hindi ko naman sinasabi na huwag ka nang makinig sa iba, alam ko at alam mo, na may mga kaya tayong ipantapat sa mga foreign acts na iyan.

Sayang ang talent natin dito sa Pilipinas. Napakarami.

Support OPM.

Advertisements

~ by targrod on August 30, 2012.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: