:: it’s a reminder ::

swerte ka. oo, swerte ka at marami kang nagagawa sa panahon ngayon.

pwede kang gumawa ng kalokohan sa Internet. pwede kang magparinig o di kaya’y i-tag ang mga nasa Twitter friend’s list mo at magbigay ng mga salitang hindi kaayam-ayam; maaaring pabiro o sadyang tumo-troll ka lang. pwede kang gumawa ng meme ng mga kakilala mo at ilabas ang mga baho nila na never naman nilang aaminin ever. pwede mong murahin ang paborito mong celebrity at patawan na mamatay na sila ng paulit-ulit dahil lang na naglalabas ka ng sama ng loob; pero sa ganitong paraan nakikita naman din natin ang breeding ng isang tao, hindi ba?

kamakailan lamang ay nagkaroon ng cybercrime bill sa Pilipinas. okay naman actually ang adhikain niya. tutal maraming mga batas ngayon ang hindi kaagad naisasatupad dahil sa walang kamatayang barahan ng mga mambabatas na alam naman natin na hindi talaga sila concerned sa kapakanan ng bayan at madla. ang importante lang naman palagi ay sila. nage-gets ko ‘yun. nakakasuka, pero gets.

isama mo na din ang pagkadismaya ni mvp. nananahimik ang tao pero dinadawit niyo. kapag ‘yan umalis sa Pinas, sisiguraduhin namin na sa inyo isisisi ang pangyayaring ‘yan.

pero hardcore sa asar ang nangyari kung saan nasingitan ng libel ang cybercrime law. maraming tatamaan at malamang kapag may nasampolan, tsaka na lang magre-react ang mga tao. tutal, ‘yan ang basic concept ng human nature. reactive lang talaga at hindi precautionary.

pero hindi lang naman ‘yun. madali din tayong kumalimot. ilang beses na bang sumabit si plagiarist noon? pero ano ang nangyari? nanalo siya recently at tayo ang “nakikinabang” ng mga pauso niya sa senado. isama mo na din ang mga ibang politiko diyan na napaka-entitled sa lahat ng mga ginagawa nila pero pag sinilip mo ang nakaraan, magugulat ka.

ngayon ang “anniversary” ng martial law. isang paraan para mapaayos ang kaguluhan ng isang bansa na hindi ko naman maintindihan kung talagang magulo ba prior sa pagkakaupo ni marcos. hindi ba? ang pagkakaintindi ko kasi, pag nag-file ka ng martial law, dapat talagang down to the dogs na ang bansa na sinalo mo. pero bakit hindi ganun ang dating niya?

marami ang nagsasabi na napakasarap daw ng martial law. na okay ang pagiging disiplinado. kailangan ba talaga natin ng martial law, para maging disiplinado tayo? ano ba ang pinapataw sa mga taong pasaway noong martial law? naisip mo din ba na kaya matitino ang mga tao noon ay hindi dahil tinetext o kinakausap sila ng maayos para umayos ang buhay. kundi dahil may mga questionable na mga pangyayari ng mga panahong ‘yon.

pero hindi. hindi mo malamang maintindihan ‘yan ngayon. pagalitan ka lang siguro ng magulang, boss, o kung sino man na nakatatanda sa iyo, hardcore ka na sa pagrereklamo at posibleng lumaban pa starting sa isang shouting match. eh paano pa kung wala kang kasalanan? paano kung napagbintangan ka lang?

kung ano man tayo ngayon, effects na ito ng kung ano mang political turmoil na nangyari sa pilipinas. ang change, hindi overnight. maaaring maganda ang pananaw ni marcos noon pero hindi lang naman siya ang nagpaikot ng gobyerno noon. hindi lang isang tao ang gumalaw noon at gumawa ng mga bagay na hindi mo ma-explain kung bakit nila nagawa ‘yun. sa tingin niyo ba santo ang mga anak nila?

alam mo ba na bawal noon ang negative news about the government. lahat ng nilalathala sa dyaryo, radyo, at tv ay dumadaan sa pr mechanism ng gobyerno noon. kaya nagtataka ka siguro kung bakit may mga taong nagrereklamo ngayon sa nakaraang gobyerno pero puro matatamis lang ang nari-research mo.

ok na ito. ok na ito na kung ano ang meron tayo. kung gaano man kabulok ang nakikita mo, baka fixated ka lang sa lahat ng mali at baho. at vice-versa na din.

mas gugustuhin kong makita ang katarantaduhan ng mga politiko sa bansa natin. ang kajologan ng mga tao sa internet. mas gusto kong maging malaya. hindi natin kailangan ng diktadoryal na gobyerno kung tayo din naman mismo ay hindi disiplinado. dude, nanggagaling naman sa sarili ang pagiging maayos hindi ba?

hangga’t may nakikita akong mga taong gusto pa ding maging maayos at maganda ang bansang ito, naniniwala pa din ako na may pag-asa pa dito sa pilipinas. natutuwa pa din ako kapag may mga taong marunong pumila ng maayos. mga taong naninita sa mga taong pasaway sa daan. mga tumutulong sa mga matatanda. mga marunong magbigay sa kalsada. sa mga tauhan ng gobyerno na hindi na kailangang i-announce ang kanilang mga nagawa. mga taong nagpe-pay it forward sa pamamagitan ng pagtulong-tulong sa mga estudyanteng gustong gumradweyt. mga moments kung saan naghihikahos ang bansa dahil sa matinding trahedya na dulot ng inang kalikasan pero non-stop ang pagdating ng tulong ng mga taong nagmamalasakit sa kanilang mga kababayan.

at mga taong vigilant sa kung ano mang sumisira sa ating bansa ngayon.

martial law. nasubukan na natin ‘yan. hindi effective. hindi na mauulit.

Advertisements

~ by targrod on September 21, 2012.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: