:: R. A. Aboteyshion ::

Sana naman pagtuuan natin ang tunay na problema ng ating lipunan. Masyado tayong nakatuon sa cyber-cyber bill na ‘yan. Isama mo na din ang RH bill. Tapos may ginawa pa ang editoryal ng UST. Dyosko naman, sa panahon ngayon, uso pa ba ang mga ganyang hiritan? Anyare sa intellectual discourse?

Ang brain fart, nawalan ng brain.

Pero makabalik lang ako sa gusto kong bigyang pansin. Nananawagan ako sa buong kongreso, kasama na din ang presidente at lahat ng senado, na gawan ng batas ang natatanging hinaing ng isang tulad ko. Isang ordinaryong tao na may lactose intolerance.

Sana naman ay magkaroon ng Republic Act of Aboteyshion o Ang Kawili-wiling Pag-abot ng Bayad / Sukli ng Kapwa Pasahero sa bus, FX, jeepney, o kahit saan mang pampublikong sasakyan.

Simple lang naman ang gusto kong paratingin. Kung kaya naming pahabain ang aming mga kamay, hindi na kami magpapakababa para lang makiabot ng pera. Pasensya na, sinubukan naming sumakay ng spaceship para sana maambunan ng cosmic ray pero wala, hindi nangyari sa amin ‘yun. Ang malas nga lang namin dahil nagmo-Momol si Loki at Thanos. Kadirdir lang.

Importanteng-importante ito ngayon, dahil makakatulong muli ito sa social skills ng ating mga kababayan. Hindi ba ang Pilipinas ay kinikilala sa Bayanihan. Sa paraang ito, makakatulong ito (at makakapang-gising) sa mga kapatid natin na: nagfi-feeling maganda, nage-emo, dumededma, nagtutulog-tulugan, at kasama na din yung mga taong super sungit lang talaga.

Tandaan natin na hindi tayo nag-iisa sa mundong ito.

Alam niyo ba, may nabalitaan akong love story, na sadyang kaaya-aya naman. Ganito kasi nangyari, sa FX may lalaki na nagpa-abot ng bayad doon sa babae sa gitna. Nagkahawak ang kanilang kamay. Nagkaroon ng kuryente. Matinding kilig ang nangyari. Nagkakilala sila on the spot. Nagpalit ng numero. Love at first sight.

Ayun, nasa ospital sila pareho ngayon. Nabangga kasi ‘yung FX.

Kaya mga kapatid sa pananampalataya at sa mga mahilig tumaya sa lotto kapag malaki na ang pot money, ito na ang pagkakataon para tayo ay magkaroon ng UNITY.

Ipasatupad ang RA of Aboteyshion. Ngayon din.

Advertisements

~ by targrod on October 11, 2012.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: