:: un-announced na feature ::

Gusto ko lang mag-react at sabihin sa Samsung na tuloy-tuloy ang suporta ko sa inyo. At sana ay maging astig pa ang mga darating niyong produkto dahil, para sa akin, kayo ang nararapat sa industry.

Simple lang naman ang pangarap ko sa buhay. Magkaroon lang ng ordinaryong cellular phone. Hindi ko kailangan ng fancy na telepono dahil, para sa akin, trabaho naman ‘yun ng Personal Computer at ng arcade. Nagkataon lang naman na hindi pa uso sa mundo ng mga computer ang touchscreen.

Pero malay mo biglang maging touchscreen ang monitor mo ngayon. Kaya subukan mo. Dali!!!! Gumamit ng kutsilyo kung nararapat.

As I was saying, kebs na lang talaga ang paratang ng Apple sa inyo. Ganun naman talaga sa mundo ng mga swapang sa pera (eh ano ngayon kung Apple user ka? hahahaha! bago ka mag-react, basahin mo muna ‘yung sasabihin ko sa susunod na paragraph.)

Dati ang habol ko lang ay cellular phone na shock proof. Dahil eengot-engot ako sa gadget, malamang mabagsak ko siya ng paulit-ulit. Sabi nga ni Our Lady Peace, ako ang tunay na Clumsy. Pero huwag ka, may bagong feature (say cheese!) ang Samsung na nasubukan ko kahapon ng ako ay jumejebs sa banyo (tmi ba talaga ‘yan? hindi ka jumejebs? sigurado ka bang jumejebs talaga ako at baka pa-epek ko lang yung pagsabi na jumejebs ako? judgmental?). Na-prove ko na waterproof siya.

Pucha. Oo. Waterproof ‘yung nabili kong Samsung phone (Pocket ‘yung binili ko.) Hindi ako makapaniwala na after niyang malaglag sa timba ng tubig (sasali daw kasi siya sa susunod na cellphone olympics), eh nag-antay lang ako ng oras para matuyo ang built-in speaker at microphone, ay okay na ulit siya.

Hindi. Hindi pa din ako makapaniwala. Nagulat nga ako at ng buksan ko ang telepono, ni hindi umabot yung tubig sa may baterya. Kaya hindi nag-short circuit ang telepono.

Sa simula lang medyo wonky siya. Expected naman yata ‘yun dahil basa pa ‘yung kapiranggot na parte ng loob niya. Pero after noon, as in ngayon, nagagamit ko na ulit siya.

Kung ganito ba naman sana lahat ng telepono, mas matutuwa ang mga consumers na tulad ko. Dahil alam kong inaalagaan ninyo ang mga clumsy na tulad ko.

– – – – – – – – – – –

Sabi nga ni GF, may nag-undewater shot pa nga daw, gamit ang Samsung S3.

Astig lang talaga.

Advertisements

~ by targrod on November 12, 2012.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: