:: paglalabas ng saloobin ::

Ako’y nakatingin sa halos tumitirik niyang mata habang hirap na hirap siyang hanapin ang kanyang hininga. Tangan ko ang hanging gamot na ipinilit isaksak sa kanyang oxygen mask. Nagpapanic lahat ng mga nurses at doctor. Ang nanay ko ay hindi na din alam ang gagawin at nagdasal na lang. Dala na din siguro ng matinding emosyon, tumulo na lang ang luha ko at ako ay lubusang nahabag sa itsura ng ama na naghihingalo at naghahanap ng hanging bubuhay sa kanya.

Only child sa ina, bunso sa ama. Nasanay ako sa init ng ulo ng aking ama. Ang nickname nga sa kanya dito sa aming village ay ‘Rey High-blood’. Hindi din kami nagtutugma madalas sa aming mga iniisip. Ang tatay ko ay lumaki pa noong panahon ng Hapon at masasabi na siya ang tunay na survivor ng kanyang henerasyon. Sabi ko nga, hindi kami nagtugma sa morals at ideals. Ibang-iba. Kaya kadalasan ako yung nakasimangot tuwing may itatanong siya sa akin kasama na din kasi na iba ang naging pagpapalaki niya sa akin; posible din kasi na siya ay matanda na.

Kahit sitenta anyos na ang tatay ko, malakas pa yan. Sampol na lang noong pinapasakan na siya ng tubo sa kanyang lalamunan para matulungan ang baga sa paghinga, halos apat na katao ang humawak sa kanya kahit na kasing-laki ko lang ang tatay ko. Sabihin na natin na umabot ang punto na siya ay tinali sa handle bar ng patient bed sa ER ng hospital.

Ang bigat-bigat din palang tanggapin na sa buong buhay mo ang naipakita sa iyo ng tatay mo ay ang kanyang lakas na akala mo siya ang tunay na Superman. Pero simula nang makita ko na tao din pala siya at marupok, hindi ko maramdaman ang awa na nakikita sa aking ama. Ano na ang magagawa ko bilang anak? Panoorin na lang ang naghihingalong ama at nagdarasal sa Diyos na kung ano man ang makabubuti sa kanya, ibigay. At ibigay ang buong tiwala sa doctor na tumitingin sa kanya. Pagkatapos mahimasmasan ang vitals dinala na namin siya sa Medical City dahil walang ICU ang hospital na unang pinuntahan.

At ito na talaga yung mabigat na dagok na dumating sa aming mumunting pamilya. Aside sa financial, na alam kong sobrang laki na ng bill namin ngayon sa Medical City kahit nakaka-limang araw pa lang kami, isama mo na din ang emosyonal na natatanggap namin ngayon. Kailangang ipakita ko sa aking ina na ako ay malakas. Na kailangang kong i-explain ng maayos sa kanya ang kalagayan ng aking ama.

Matindi na ang sakit niya. Halos masunog na ng todo ang baga niya ng dahil sa Emphysema. Halos limang dekada na siguro ang ginugol niya sa pagsisigarilyo. Ngayon na lang siguro nangalabit ang katawan niya na posibleng ito na nga. Ang greatest trigger na nangyari ay ang Pneumonia. At sa kasamaang palad, nadamay na din si puso.

Ang lakas magbiro ng tadhana. Ako po ay ikakasal na sa unang Linggo ng Marso at dumating ito. Ano ba ang magandang reaction ng isulat ng aking ama na tuloy ang kasal namin ni Armi? Hindi pa naman po gulay ang tatay ko. Ang respiratory system lang ang nasira na ng tuluyan. Malakas na malakas pa ang isipan at ang ibang parte ng katawan niya. Mabigat lang talaga ngayon dahil ang mechanical ventilator lamang ang tumutulong sa kanya. Nagdarasal kami na sana ay matanggal na yun. Harapin na din natin ang katotohanan na hindi namin kaya ang presyo ng Medical City. Pero may maliit pang chance na maging okay pa ang paghinga niya pero hindi na niya pwedeng gawin ang lahat ng gawain niya dati.

Kilala ng karamihan ng kaibigan ko na hindi ako nangungulit ng tao ng basta-basta. Kadalasan ay isinusulat ko na lang lahat, para isang salitaan na lang. Ako po ay pagod na pero mahaba pa ang laban na aming tatahakin. Naniniwala ako sa awa ng Diyos.

Pasensya na kung ito man ang bumulagta sa inyong mga mata. Naglalabas lang po ako ng saloobin.

Advertisements

~ by targrod on February 4, 2013.

6 Responses to “:: paglalabas ng saloobin ::”

  1. heard all is well on twitter. glad it is.

  2. *hugs*

  3. I feel your pain; having lost my father just this January. I can only pray for you and your family; that you will be strong sa gitna ng laban ng Tatay mo. At sana maging masaya ka sa araw ng inyong kasal. Palagay ko, gusto ng Tatay mo yun coz we both have fathers who we thought was Superman.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: