:: pangit na pelikula ::

Gusto ko lang naman malaman kung bakit sa panahon ngayon, sa taong 2014, ang issue pa rin ng mga pelikula ay kadalasang nauuwi sa mundo ng MMDA. Sorry, hindi ko talaga maintindihan hanggang ngayon kung bakit ang laki ng kebs ng tao sa isang festival na alam naman ng lahat na isang money-making scheme lang. Na ilang pelikula na ba ang laging nagsasabi na proud sila sa pelikula nila dahil naging blockbuster ito sa takilya. Blockbuster meaning kumita ng limpak-limpak. Pera na nanggaling sa mga 13th month pay usually ng empleyado.

Pero bakit ganoon? Eh may nagbabago na rin naman hindi ba. Kaya nga nagkaroon na ng New Wave sa MMFF para ma-cater sa mga nagrereklamo na nakakasuya na raw ang mainstream appeal ng MMFF. Kasama na rin na isa na lang ang sequel sa nakaraang taon, ang Kimy Dora (nag nag-iinarte rin, pero makakarating tayo doon, don’t worry). Wala namang enteng. Wala namang tanging ina. Wala namang panday. Wala namang SRR. Pero nasisisi ngayon lahat sa My Little Bossings. Akala ko ba may katalinuhang diskurso na sa mundo ng pelikula sa ilang mga grupo-grupo na umiikot ngayon sa Internet? Ilan ba ang pinalabas noong MMFF? Labing-tatlong pelikula. Eh bakit sa lahat ng panonoorin ninyo, My Little Bossings pa. Tapos magrereklamo kayo na panget siya.

Eh baka ikaw ang problema?

10,000 Hours; Girl, Boy, Bakla, Tomboy; Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel; Pagpag; Kaleidoscope World; Pedro Calungsod: Batang Martir; Boy Golden; Island Dreams; Saka-saka; Ang Maestra; Dukit; at Mga Anino Ng Kahapon. Ayan, nilista ko na ang ibang pelikula na kasama sa MMFF. Alam ko na pamilyar kayo sa iba. Syempre malakas ang hatak pa rin ni Vice Ganda. At nakalikom ang 10,000 hours nang pagkarami-raming mga awards na pinarangal ng isang grupong nagtra-trapik sa edsa. So, Kimy Dora, ano ang drama mo? Eh ano ngayon kung na-snub kayo? Eh balita ko, may alanganing punchline daw kayo sa pelikula tapos mage-expect kayo na makakuha ng award? Sa tingin n’yo ba basis nila talaga ang mga tunay na artistic at technical aspects ng isang pelikula? Ang mas sisilipin pa nila, kung nag-swerving kayo sa commonwealth.

Pero hindi po kaso ang swerving. Pauso lang po ng mga gustong mag-lunch niyan.

At don’t tell me na hanggang ngayon, ang dating pa rin ng mga pelikulang Pinoy ay pangit ng dahil sa My Little Bossings. Alam ko napanood ko ang Mga Anino Ng Kahapon kaya alam ko na nagkakamali ka. Alam ko rin na ang basis mo ng maganda ay mga “blockbuster” films na punong-puno ng CGI at effects na hindi naman talaga natin kayang pag-interesan dahil matalino ang mga Pinoy, lalo na ang mga nasa industriya ng pelikula. Kaya nga punong-puno tayo ng mga festivals ngayon. At kung gusto mo nang CGI at effects, baka makatulong diyan si Napoles na kaibigan ni pogi este ni panday.

Isama ko na rin na pag sinabi mo na panget ang buong MMFF, sabihin mo muna sa akin kung naka-ilang Brocka, De Leon, Bernal, at O’hara ka na. At hindi lang tuwing Pasko nagkakaroon ng pelikula ang mga Pinoy. Buong taon po. Ang alam ko lang naman na nagreklamo ngayon ay mga fans ng The Hobbit.

Pagpahingahin na siguro natin ang walang kamatayang pangit ang MMFF. May labing-isang buwan na punong-puno ng mga pelikulang nanggagaling sa Star Cinema, Viva, Cinemalaya, Cinemanila, at iba pang mga Pinoy festivals. At lagi na lang tayong naghahanap ng automatic hit at automatic na maganda. Eh sa tingin mo ba maganda lahat ng napanood mo na? Hindi mo naman siguro masasabi na maganda ang isang pelikula kung hindi ka rin nakapanood ng pangit.

At nagrereklamo sa 220 pesos pero willing mag-starbucks, mag-J. Co, at mag-Vikings.

Eh baka ikaw nga ang problema?

Advertisements

~ by targrod on January 3, 2014.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: